You are viewing [info]hatinggabi's journal

Previous 10

Apr. 3rd, 2009

kuya gio

2....years.

panalo lang, nag countdown talaga ako.

dalawang taon na nakalipas. parang kailan pa lang yung mga trip trip. ang linaw pa sa isip ko lahat ng nangyari. ang tagal na niyang wala pero pakiramdam ko may pinuntahan lang siyang kung ano.

lagi ko pa rin siyang naiisip. hindi ko na nadadala yung purple niyang panali lagi, pero inaalala ko pa rin na may madalang kung ano na sa kanya araw-araw. kahit na parang ordinaryong damit ko na lang yung mga "ninakaw" kong damit niya sa dalas kong suotin, naaalala ko pa rin siya bawat araw na suot ko yun.

siya pa rin naaalala ko sa mga cartoons, sa mga kanta at banda, sa itsura at porma ng mga tao. nasasayangan pa rin ako pag naiisip ko kung paano na kaya ngayon kung nandito pa siya. lagi ko pa rin hinihiling na mabalik dun sa araw na yun, na maiba yung mga pangyayari.

sana na lang ok na siya. nakakamiss lang talaga ng todo.
Tags:

Jun. 20th, 2008

kuya gio

sa panaginip lang...

kwento lang dahil nabigla ako sa panaginip ko kaninang umaga.. lampas isang taon na mula nung nawala siya, pero ang gulo nung panaginip ko talaga.. parang lag? haha.. so, yung panaginip ko nga.

malamang nandun si kuya gio diba? haha.. magkasama daw kami.. tas as in laging nag-uusap pa or lagi ko siyang kinakausap.. parang ano...sixth sense na parang shutter yung dating.. haha.. kasi e di kinakausap ko nga siya blah blah.. tas biglang meh nagsabi? or narealize ko ata na wala na nga pala siya.. tas nagflashback pa dun sa mga moments na "magkasama" kami, tas nakita ko na walang reflection sa salamin.. mga cliche ghost stuff at yung flashback na parang yung dalawang palabas na nasabi ko nga.. ang gulo lang talagaaa. tas nung nalaman ko nga na wala na siya, semi nagwawala pa daw ako na hindi yun totoo dahil nga kausap ko talaga siya.. ano ba namang utak 'to ha?!

isa pa! meron pang dati pang panaginip na nakakapikon rin e.. malamang alam niyo yung heroes diba? naalala niyo yung episode nung si peter petrelli muntik mamatay? tapos dinala na siya sa bahay nila.. tapos nung nakita ni claire na meh malaking piece ng glass pa si peter sa ulo, hinugot niya.. tas biglang nabuhay ulet si peter.. naalala niyo yun?! potek. nakakapikon yun e. kasi napanaginipan ko si kuya gio na parang ganun.. kasi last time ko siya nakasama, magkatabi kami natulog.. tapos sa panaginip ko, ganun.. pero katawan lang niya nandun.. tapos e di tinabihan ko daw "siya" tas umiiyak ata ako nun.. tapos biglang yun! yung inhale ng sobra sobra tapos biglang bangon.. tapos sobrang saya daw namin tapos nagpaparty pa daw.. walanghiya. sana totoo kahit creepy..

whoooo... i miss you, kuya gio.. pinaiyak mo na naman ako.. sumbong kita kila momi!



...kita makakasama..
Tags:

Mar. 5th, 2008

kuya gio

(no subject)

happy birthday

KUYA GIO!!!

Oct. 15th, 2007

kuya gio

what if

weird. bigla lang ako napaisip kanina nung nagising ako after ng isang oras na tulog at bago tuluyang manood ng pbb (oo, important detail yun. haha).. bakit? ewan ko. paramore? hahaha.

so what if nandito si kuya gio? ano na kaya ang nangyayari?
oh star )

Oct. 11th, 2007

kuya gio

superstix.

tinatamad ako magbasa tungkol sa death penalty, kaya kwento na lang muna dito..

so kagabi nagttrip kami ni kuya mik. harutan lalala.. tas e nakahiga kami sa kama, tas meh space sa gitna tas tinatawag niya si kuya gio na dun siya.. tas naalala ni kuya mik yung baklaan blues nila.. tas eto, yung kwento.

adik kasi si kuya mik sa superstix noon.. tas bumili siya nung isang lalagyan nun.. nanonood ata kami nun o..basta. nakatambay kaming tatlo dun sa kama nila sa lumang bahay.. humingi ako ng superstix kay kuya mik..

kuya mik: kiss muna!
ako: eeehhhh!! pahingi naaaa...!!
kuya mik: ayaw mo ko ikiss e, di kita bibigyan!
ako: ehhh!! naman e!!
kuya mik: *di na namansin at kumain na lang ng superstix niya*
ilang minutes after.....
kuya gio: kuya mik! pahinging superstix! ikikiss kita.. *kiss si kuya mik sa cheek*
kuya mik: *ngiti* *sabay bigay ng superstix kay kuya gio*
ako: *asar talo*

next post ko after ko na mapasa lahat ng eng10 stuff ko, pag officially sembreak ko na.. meron kasi akong super delayed post na di ko na naasikaso e.. basta. next week. :D
Tags:

Oct. 4th, 2007

kuya gio

the face.

nung isang araw, bigla ako naasar kay kuya mik. hahaha.. bakit? kasi hindi niya kilala si eric lively dahil hindi siya nanood ng so weird dati.. kasi tumitingin ata ako ng cast ng sisterhood nun tas nalaman ko na si blake lively pala, kapatid ni eric lively.. e super crush ko yun dati.. tas na-excite ako magkwento, bigla ko na-realize na si kuya gio nga pala may alam nun.. ayon. hai nako. hassle. :(

nanonood nga pala akong heroes kanina.. tas naalala ko na naman si kuya gio dahil nakakaasar si kuya mik dahil lagi tinutulugan mga series kaya tagal bago mabuo.. e gusto ko na kwentuhan tungkol sa heroes.. tapos naalala ko na si kuya gio nga pala matiyaga sa mga ganun.. tas dati ino-op pa namin si kuya mik dahil marami na napanood namin sa season 1 ng heroes tas si kuya mik umpisa pa lang.. wala lang.. shet.

tapos tapos.. eto. walanghiyang nagpaiyak saken kagabi.. ang astig, pare-pareho kami.. hehe.. wala lang.. miss ko na si kuya gio.. hai nakow.

Tags:

Jul. 11th, 2007

kuya gio

maanghang pala ang maliit na carrot.

sa garden sa likod ng bahay...maraming mga halaman..at maraming bunga..

5-year-old gio: uy o, maliit na carrot!
4-year-old achelle: uy oo nga! maliit na carrot! kuha tayo!

kumuha ng tig-isang "maliit na carrot" ang excited na magkapatid at sabay ring kumagat sa "maliit na carrot"..

5-year-old gio: ........
4-year-old achelle: .......
*dura* *dura* *dura*

at doon namin nalaman na ang sili pala ay mukhang maliit na carrot at na maanghang ito.

aytenkyu.bow.
Tags:

Jun. 18th, 2007

kuya gio

sure?

shit talaga. alam niya kayang mahal ko siya?!?! :(
Tags:

Jun. 10th, 2007

kuya gio

(no subject)

nakakita ako ng ipis kanina sa banyo.. buti na lang hindi siya lumilipad..bigla ko kasi naalala na wala na akong tatakbuhan na taga-patay ng lumilipad na ipis.. wah. ang babaw, nakakatawa! hahaha..

pero nakakamiss parin forever si kuya gio..

ikaw lamang parin..
Tags:

May. 22nd, 2007

kuya gio

5 AM

kung magtutuloy-tuloy lang yung panaginip, hindi na ako gigising.. pero kung hindi lang rin naman magkakatotoo, hindi na lang siguro ako matutulog..

haii.. i miss kuya gio.. :(
Tags:

Previous 10